Isa sa mga pinakaimportanteng bagay na natutunan ko sa pisay ay ang pagcacram. Noong ako ay nasa elementarya pa lang ay wala sa aking bokabularyo ang salitang 'cramming', dahil dati ay kung hindi ko nagawa ang isang takdang aralin ay hindi ko na talaga ito gagawin pa sa loob ng silid-aralan dahil ako ay isang batang marangal noon. Ngunit sa pisay kung hindi ko nagawa ang isang takdang aralin ay icaram ko pa ito dahil ito na lamang ang humahatak pataas sa aking marka. At ang pagkacram ay isa palang efficient na bagay dahil magagawa mo ang isang takdang aralin ng mabilis(yun ay kung hindi ka mangongopya). Ngunit ang pagkacram ay hindi isang epektibong bagay dahil nabebeat niya ang purpose ng pagiging takdang aralin ng isang gawain dahil kung crinam mo ito ay hindi mo ito ginawa sa iyong bahay. At ang pagkacram ay hindi rin nagiging epektibo kung ikaw ay nangongopya lamang dahil kadalasan ay hindi mo maiintindihan ang iyong kinopya.
- Lennart Panton
skip to main |
skip to sidebar
No comments:
Post a Comment