Noong ako ay bata pa, tinuruan na ako ng magagandang asal. Tinuruan nila ako maging malinis, masipag, at maging kapanipakinabang. Tinuruan nila akong magdasal, maniwala sa Panginoon at maging relihiyoso. Tinuruan nila akong maging mabait sa ating kapwa at sarili. Tinuro nila sa akin kung paano maging isang mabuting tao. Lahat naman ng ito ay pumasok sa aking pag-iisip.
Nang ako ay magpuntang Pisay, naranasan ko lahat ng hirap ng pagiging isang estudyante. Naranasan kong bumagsak, naranasan kong magpuyat nang sobra-sobra, naranasan kong maghabol ng mga grado, naranasan ko matambakan ng bundok ng mga gawain. Lahat ng ito ay nagdulot ng pagod sa aking sarili at magdulot ng stress. Minsan, dahil sa stress, ay hindi na tayo nakakapag-isip ng tama. May nagagawa tayong masama. Nakakasakit tayo ng mga tao sa ating mga paligid. Nakakalimutan natin ang mga tinuro sa ating maging mabuting tao. Tayo ay nagkakamali.
Sa buhay natin, madami ang pwedeng pagpilian. At depende sa napili mo ang kalalabasan. Dahil sa mga resulta ng ating mga pagkakamali, minsan tayo ay natatakot na magkamali ulit. Ayaw na natin maulit ang masamang nangyari kaya’t maaaring hindi na natin piliin ang kilos na nagdulot ng mali. Tayo ay natuto sa ating pagkakamali dahil alam na natin ang kalalabasan at kung gaano nasaktan ang ating sarili at ang mga tao sa paligid.
- Cleo Rojo
skip to main |
skip to sidebar
No comments:
Post a Comment