skip to main |
skip to sidebar
Mahirap makibagay sa mga tao sa Pisay, malalait at mapagtatawanan ka talaga ngunit kelangan mong makisama, tanggapin kung sino ka at panindigan kung sino ka talaga. Sa paraang ito ay matatanggap ka rin ng mga tao, pakikisamahan at hindi na pagtatawanan at lalaitin.
- Jasper Cacbay
Tuesday, March 16, 2010
Mahirap ang Buhay Kung Wala Kang Mga Kaibigan
Isipin mo, nakaupo ka sa caf at kumakain ng lunch at nagsasawa na sa mga nakikita mo dahil apat na taon ka nang doon tumatambay at nakatunganga habang nagpapalipas ng oras. Nakikita ang mga taong masasaya at nagtatawanan habang gumagawa ng iba't ibang bagay, mga homework, project, nagjajamming sessions, nantitrip ng mga lower years at nagkukwentuhan. Hindi ba't parang ang saya makisama sa kanila? Yan ang natutunan ko, kung hindi ko nakilala ang mga kaibigan kong handang tumulong sa lahat ng oras, hindi siguro ako tatagal ng apat na taon dito sa Pisay. Lagi silang nandyan upang makiramay, makisama, tumulong sa mga projects, makipaglokohan at higit sa lahat, tumambay. Hindi ba't mas masaya naman yun kaysa mag-isa mong inaantay ang pag-galaw ng orasan at paglipas ng oras.
- Jasper Cacbay
- Jasper Cacbay
Hindi ito Science o Math
Marami akong natutunan sa Pisay. Natuto akong mag-cram ng todo kahit hanggang sa last minute deadline. Syempre, may mga natutunan din ako sa sciences at math (dapat lang.) Natuto akong magbalanse ng chemical equations, hanapin ang area sa pagitan ng x-axis at isang function, kabisaduhin ang limpak-limpak na scientific names ng mga hayop at halaman (kahit panandalian lang) at gumawa ng motor gamit ang magnetism! Pero kahit sangkatutak ang nalaman ko sa sciences at math, ang nakaimpact sa akin sa Pisay ay PE!
Hindi naman ako ang pinakamalusog na tao sa mundo at hindi rin ako ang pinakamaliksi at sporty. Kung tutuusin, mas gusto ko pa ang upu-upo lang at patulug-tulog lang. Sa dati kong school, nakaka-surive ako sa PE kasi maraming written test at mas kaunti ang practical test. Karaniwan naman, puro katutubong sayaw ang itinuturo sa amin. Kaunti lang din ang natutunan kong sport kasi may isang pokus lang sport sa isang taon, tapos puro katutubong sayaw at gymnastics at physical fitness.
Sa Pisay, talagang inabangan ko na ang sciences at math at naihanda ko ang sarili ko kung saka-sakali mang bumagsak ako. Ika nga nila "cream of the cream of the crop" ang mga tao dito kaya talagang mahirap ang subjects. Talagang na-culture shock ako sa PE kasi hindi dinadaan sa written exam, mas madalas naglalaro lang ng sports. Ang mas nakakagulat sa akin, halos every quarter ay ibang sport na ang nilalaro namin! Nung una, hirap akong mag-adjust. Madalas masakit ang katawan ko pagkatapos ng PE. Pero nung nasanay na ako, mas naeenjoy ko na ang game. Siguro nga hindi ako ang pinakamagaling, pero masaya na ang paglalaro ng sports; hindi lang ito dahil sa grades. Mas dumami rin ang range ng sports na kahit papaano alam ko ang rules at alam ko ang basic skills. Isa pang naging impact sa akin ay nabawasan ang pagiging tamad. Ngayon, kapag wala na akong ginagawa, hindi na ako mapakali. Maya-maya, may hawak na akong bola ng volleyball o kaya naman, raketa ng badminton at nakikipaglaro. Ang totoo nga niyan, napapaisip pa ako minsan na sana maganda ang height ko para maging player ng isang sport.
Siguro, mas madalas maisip ng ibang tao na kapag lumabas ka ng Pisay, nerd ka lang o mahilig ka lang sa academics. Pero para sa akin, astig din ang PE sa Pisay, kahit weird isipin.
- LC Castellano

Mahirap Makibagay sa Mga Tao Sa Pisay
Mahirap makibagay sa mga tao sa Pisay, malalait at mapagtatawanan ka talaga ngunit kelangan mong makisama, tanggapin kung sino ka at panindigan kung sino ka talaga. Sa paraang ito ay matatanggap ka rin ng mga tao, pakikisamahan at hindi na pagtatawanan at lalaitin.
- Jasper Cacbay
Friday, March 12, 2010
Why is the Leche Flan Better Than A Prom Date?
Note: Here is a note I posted in facebook on November 30, 2007. Surprisingly enough, a lot of people “liked” it, some who don’t even talk to me in school. So I guess I’ll share it to you guys, too.
1. Hindi magsasabi sa’yo ang leche flan ng "no" at "I'll think about it".
2. 'Pag nawala o kinuha sa'yo ang leche flan mo, 'di ka iiyak at maglalaslas.
3. Walang pakialam ang leche flan mo kung panget ka man o mataba o maraming pimples.
4. Pwede mong pindut-pindutin, himas-himasin at dila-dilaan ang leche flan. Hindi siya magagalit.
5. Kung ngayon ginusto mong magkaroon ng leche flan, mamayang lunch meron ka na.
6. Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mong gawin sa isang leche flan, at 'di pa rin kayo magkakaanak.
7. Kung sa unang kagat ay naayawan mo yung leche flan, pwede mo namang itapon o ibigay sa iba.
8. Wala namang masama sa not having the courage to ask a leche flan.
9. Isang kainan lang ng leche flan, satisfied ka na.
10. At kung hindi man, pwede ka namang mag pangalawa o pangatlo.
Pero...
1. Kung sakaling mag yes man sa'yo ang isang leche flan, walang espesyal at nakakakilig don.
2. Di mo pwedeng ipagyabang sa barkada mo na "Meron na akong leche flan!"
3. Di mo maiimpress ang isang leche flan kahit mag long sleeves ka at mag wax ng buhok at
mag Axe. (yung promdate rin hindi, but she might see the effort.)
4. Pag may ibang lalaking humawak sa leche flan mo, medyo kadiri na yon at aayawan mo na.
5. Kahit gano ka katagal makipagtitigan sa leche flan, di ka pa rin kikiligin.
6. Walang espesyal sa isang "first kiss with a leche flan".
7. Di ka pwedeng makipag holding hands with a leche flan.
8. Pag nag corny joke ka sa leche flan, di siya tatawa. (Di rin naman tatawa yung prom date,
pero malay mo deep inside her heart is smiling).
9. Kahit gaano ka kagaling kumain ng leche flan, isa pa rin siyang leche flan. Pero kung
naging magaling kang promdate, pwede pa kayong maging more than mag-promdate.
10. kahit gaano ka espesyal yung leche flan, di mo matatandaan yung experience for the rest
of your life.
Hope you enjoyed reading this. XD
- Adrian Salvo

Readers
Tags
- illustration/design (33)
- list (12)
- photography (16)
- video (5)
- writing (30)