Saturday, February 27, 2010

Appreciate Every Little Thing That You Have


I learned how to have non-human companions in my sleepless nights, in my dreams, in my emotional breakdowns.

- Almira de Villa

Do Not Judge a Book by its Cover Appearance


- Zarra Oliquino

Self Control


I learned how to hate people so much that I want to kill them, and yet I also learned to control those feelings.

- Almira de Villa

Ipinagbabawal ng Student Handbook and Pagpasok sa Tornado

Nagkaroon ng maliit na ipoipo sa Pisay ilang linggo ang nakalipas. Syempre dahil maraming gago sa Pisay, maraming nagtakbuhan papasok sa loob ng ipoipo. Syempre dahil maraming gago sa loob ng ipoipo, may nagsuntukan sa loob ng ipoipo at nagkagulo. Syempre nakita ng mga guard ang nagyari so nagpaka-KJ sila. At syempre, marami ang nainis sa mga guard.

Ginawa ang student handbook para magkaroon ng disiplina ang bawat estudyante ng Pisay. Nakasulat sa student handbook ang karamihan ng patakaran sa Pisay. Iyon ang mga batas ng Pisay. May mga sumusunod sa handbook, ngunit may mga hindi rin sumusunod. Kasama na ako sa mga hindi sumusunod.

Bakit hindi ako sumusunod sa mga batas ng Pisay? Kasi ang mga patakaran na ginawa nila ay tinatanggal ang kasiyahan sa ating buhay hayskul. Marami nga sa mga nakalagay sa student handbook ang makakapagpabuti sa ating buhay, ngunit tayo naman ay magiging mga robot na walang damdamin. Nakakalungkot kung ganun ang mangyayari.

Ganyan talaga ang buhay. May mga masasayang nangyayari ngunit linilimita ang ating kaligayahan. Kung hindi lininimata ang ating kaligayahan, magiging sobrang gulo ng ating mundo.

- Niccolo Macaraig

Time is Negligible for Photons

- Niccolo Macaraig

Sa Buhay ay May Nagtutulungan at Pinagtutulungan

Buhay pisay, ito ang buhay na marami ang nangarap maabot. Marami ang sumubok ngunit kaunti lamang ang pinalad na mapili. Hindi madali ang buhay Pisay ngunit sa kabila ng mga pagsubok na maaari mong danasin marami ring gantimpala ang pwede mong makamit. Andyan ang libreng tuition, stipends, magagaling na techer, mas advanced na lessons at syempre mga chicks studyante man o teacher.


Apat na taon na pala ako sa Pisay at apat na taon na rin akong nagdodorm. Sa mga pinalad na makapasok sa Pisay, may kakaunti lang na napili upang maging dormer. Buhay dorm ay iba sa buhay extern. Malalayo ka sa mga magulang at pamilya mo, may curfew, bawal manood ng kung anu-anong mga bagay na nagpapasaya ng buhay, may whitelist rule (na dating blacklist rule) sa internet at marami pang iba, pero ang pinaka ayaw ko sa mga rules ng pagiging dormer ay ang pagiging hindi coed ng dorm.

Marami mang mga disadvantages, rules at bawal gawin, hindi naman lahat ay sinusunod. Tulad ng "bawal ang mag milagro ang magkapareho ng kasarian", "bawal mag DotA pag weekdays", "bawal ang prawnsites". Lahat ng mga rules na yan ay kalokohan lamang at hindi magagamit sa buhay. Pero punta na tayo sa advantages ng dorm. Sa dorm marami kang pwedeng gawin na hindi o minsan lang pwede gawin sa bahay. Sa dorm ay masaya ka lalo na kapag may makokopyahan ka ng mga homeworks, may leakage sa long tests, may DotA game after magcheck ni sir ng rooms at marami pang iba.

Sa ilang taon ko dito sa Pisay at ilang taong pagiging dormer, marami akong natutunan. Ilan lamang sa mga ito ang pangongopya ng homework, project at activities, paghingi ng leak sa mga nauna magtake ng longtest, ang tamang paraan ng pagbili ng mga babasahing may kakaibang mga laman at pano mandaya sa pagbigay ng sukli sa mga mamimili.

BABALA! Ang susunod na palabas ay may mga eksena at tema (theme) hindi naaangkop sa mga batang manonood, patnubay ng nakatatanda ay kailangan!
Marahil nagtataka kayo kung ano ang video na ito, sulyap lamang ito sa ilang mga eksena na nangyayari sa dorm. Sa tuwing nakikita ko ang video na ito marami akong nagugunitang mga alaala at leksyon. Natutunan kong dapat ay lagi kang handa sa lahat ng oras dahil hindi mo alam kung may manyak na pala na balak kang irape o kung hindi ay hubaran at kunan ng video upang gamitin sa comsci project nila. Natutunan ko rin na mahirap pala talaga pumalag lalo na pag maraming tao ang pinagtutulungan ka. Halimbawa may nakahawak sa mga kamay at mga paa mo, may nakahawak din sa katawan mo habang may nagtatangkang hubarin ang shirt at shorts mo, pano ka pa makakagalaw at makakalaban nyan? Hindi lang naman mga masasama ang natutunan ko, natuto ako na kung magtutulungan, planado at kung may koordinasyon sa isang gawain ang isang grupo, mas malamang kaysa hindi ay magtatagumpay sila sa kanilang balak gawin.
Sa buhay dorm ay natutunan ko
na pag pinagtulungan ang isang tao
siya ay mawawalan ng kakayahan
upang sarili'y ipagtanggol sa kahalayan
- Nico Ilaga

Maging Isang Superhero



- Jaymari Chua

Do Not Drink During Holy Retreats


- Nico Reyes and Joanna Perez

Readers