Monday, March 8, 2010

Pisay's Creed











- Bea Garcia

Natutunan Kong Paikut-ikutin Ang Given sa Akin


- Gigi Guion

Pisay ay Tubig

Ang Pisay ay tubig.
Animo’y salamin.
Walang tiyak na kulay.
Nagbibigay repleksyon,
Sa kapaligiran.
Nakikibagay sa kulay,
Ng kalangitan.

Ang Pisay ay tubig.
Walang tiyak na hubog.
Sumusunod sa hugis,
Ng kinalalagyan.
Nakikibagay sa ukit,
Ng kinatatayuan.

Ang Pisay ay tubig.
Madilim.
Ngunit kapag naarawan,
Lumilinaw, kumikislap.
Nagniningning.

Ang Pisay ay tubig.
Matibay, matatag.
Anumang balakid at problema.
Kayang sumira,
Ng matibay na bato.
Kayang ukitin,
Ang matigas na lupa.
Kayang patahimikin,
Ang mainit na apoy.

Ang Pisay ay tubig.
Malikot, magalaw.
Patuloy na dumadaloy.
Sa pinakamaliit na siwang.
Sa pinakamakipot na daan.
Umaagos tungo,
Sa walang hanggang katapusan.

Ang Pisay ay tubig.
Likas na elemento.
May kalakasan,
May kahinaan.
Ngunit nilikha upang maging,
Kaiba sa lahat.

- Bea Garcia

Readers