Sabi nila wala tayong alam gawin kundi mag-aral, mag-aral at mag-aral. “Studying,” daw, “is your best pastime.” Bullshit. Ngayong fourth year lang ata ako natutong mag-aral – as in aral, yung nagbabasa ng libro (sa dorm, no less!), nagte-take down ng notes, sobrang nakikinig sa teacher – tapos may mga subject pa na ‘di nakuntento sa mga bagsak na long test at dispalinghadong perio – kulang na lang social life mo kunin na rin. May mga roomhopper pa na ‘di mahiya-hiya sa pagpasok sa kwarto mo, kulitin ka sa random na bagay, humingi ng pagkain mo, maki-facebook sa laptop na sobrang alaga mo, at makinood sa mga favorite TV series mo na ilang linggo mo pang tinorrent. ‘Di naman ako ganun ka-alone na tao na kelangang walang istorbo para gumana ng maayos. May mga time lang talaga – tulad ng pagsusulat, para sa ‘kin – na mas gagana yung utak mo ‘pag mag-isa ka. May mga time din na, alam mo ‘yun, tatamaan ka out of nowhere, na parang gusto mong gawin lahat ng klase ng requirements.
Pero back to the point, kahit ata yung mga pinakamasipag sa ‘min ‘di umabot sa point na pag-aaral na ‘yung pinakamaayos nilang pastime. Tingnan mo na lang yung Pisay grounds sa isang normal na araw, may mga tao sa gazebo, front lob, caf, volley court, basket court, tennis court, at dorm. Pagkatapos ng isang araw na may dalawang long test, tatlong quiz, ‘di matapos-tapos na experiment at crammed na skit, may gagawin ka naman sigurong iba kesa mahilo sa pinagsasasabi ni Samuelson, maaliw sa mga formula ni Leithold, at magbabad sa mga Greek letters ni Serway.
At alam niyo, isa pa lang ‘yun sa mga sinasabi nila sa isang Pisay scholar. May mga takot na baka ‘yung susunod mong iinumang jug ay may nakakalasong mercury, meron namang natatakot maging nerd, at meron namang ayaw lang talaga tanggapin ang challenge ng “premiere high school” ng bayan.
Para sa ‘kin circumstantial yung nangyaring panglalasong ‘yun. Blessing in disguise siya sa ‘kin kasi tingin ko ‘di ako makakapasok ng Pisay kung konti lang ‘yung mga nagback-out. ‘Yung sa pagiging nerd na ‘yan, apat na taon na ‘kong nag-aaral sa eskuwelahang ‘to, pumasa lang naman ako sa ilang universities, nagkaroon ng eye bags – eye bugs, whatever – nakakilala ng ilang magagaling na tao at natuto ng maraming bagay mula gitara hanggang genetics – pero kung ang definition mo ng nerd ay ‘yung taong nakadikit sa libro, ‘di na ako ‘yun, at kung ‘yung alam niya everything under the sun, ‘di rin ako ‘yun. Sa katunayan, ako na ata ‘yung isa sa mga pinakamalayong tao sa salitang nerd. At yung challenge naman, parte lang talaga ‘to ng buhay. Kelangan nating gumawa ng desisyon, at para sa ‘kin ito ang pinakamaganda kong choice sa mga pinagpipilian kong schools nung kumuha ako ng mga entrance exam na ‘yun.
Sa apat na taon ko dito sa Pisay, ‘di ko lang na-debunk ‘yung mga common Pisay myths na tulad ng mga nasabi ko, nasabi ko rin na marami akong nakuhang kaibigan, experience at last but not the least, edukasyon.
Kung nahalata mo na, ako ‘yung taong ‘di masyadong academic. Mas ok sa ‘kin kung, alam mo ‘yun, iba naman pag-usapan natin kesa conics at up and down quarks. Pwede siguro tayong maglaro ng helium synthesis game, pero... sige, ‘wag na nga lang natin pag-usapan ‘yun.
Kung binabasa mo ‘tong blog na ‘to, may nagsabi na na “your Pisay life without friends is pointless.” Para sa ‘kin ‘di lang naman Pisay life e – yung life na talaga, kasi kahit gano ka ka-gc (grade conscious) ke-kelanganin mo ang tao sa buhay mo. Seryoso. May isa nga akong kilala na ‘di na makausap ng isang buong araw dahil nalaman niyang bagsak siya sa isang long test. Buti na lang third year ‘yun. Ngayon? Ayun. Nagsasalita na at, at least, nakatawa na nung nakita ‘kong bumagsak siya sa isang long test.
May isa naman akong teacher (Pisay alumna) na nagsabi na para sa kanya, college daw ang pinakamasayang part ng educational life niya – hindi high school. Sobrang dali daw kasi ng UP. Ewan ko ba kung inspiration ang pinaparating niya sa ‘min, pero ibig sabihin lang nun, para sa ‘kin, e marami na siyang na-experience sa Pisay na sobrang nakatulong sa kanya sa college. May mga naririnig nga ako na yung mga kaklase ng Pisay alumni sa college ay nagagalit sa kanila kasi minsan bagsak naman daw sa test, pero parang bale wala lang. ‘Di nila alam, ilang version na ng “bagsak” ang naranasan natin dito.
Sorry nga pala kung na-bore ka sa mga walang kwenta mong nabasa sa taas. At kung nagalit ka na ‘di ko na mababalik ang iyong napaka-precious na oras. Pero akalain mo nga naman, ang haba na pala nito! Pagbigyan mo na lang ako sa isa pang hirit:
Sabi nga ng Brownman Revival, “hindi mo ma-ibabaon sa limot at bahala, kapag nabulag ka ng maling akala.” Hindi mo na nga siguro makakalimutan ang mga inakala mo sa Pisay noon. Pero sana, lalo na kung papasok ka pa lang ng Pisay, ok lang sana sa ‘yong baguhin ‘yun.
Kasi papahirapan mo lang sarili mo kung nagaalala kang isang “insurmountable challenge” ang Pisay. Hindi talaga e. Sigurado ako “challenge” siya.
Sigurado rin akong ‘di siya “insurmountable.”
- Marckie San Juan
skip to main |
skip to sidebar
Readers
Tags
- illustration/design (33)
- list (12)
- photography (16)
- video (5)
- writing (30)
No comments:
Post a Comment