Saturday, February 27, 2010

Ipinagbabawal ng Student Handbook and Pagpasok sa Tornado

Nagkaroon ng maliit na ipoipo sa Pisay ilang linggo ang nakalipas. Syempre dahil maraming gago sa Pisay, maraming nagtakbuhan papasok sa loob ng ipoipo. Syempre dahil maraming gago sa loob ng ipoipo, may nagsuntukan sa loob ng ipoipo at nagkagulo. Syempre nakita ng mga guard ang nagyari so nagpaka-KJ sila. At syempre, marami ang nainis sa mga guard.

Ginawa ang student handbook para magkaroon ng disiplina ang bawat estudyante ng Pisay. Nakasulat sa student handbook ang karamihan ng patakaran sa Pisay. Iyon ang mga batas ng Pisay. May mga sumusunod sa handbook, ngunit may mga hindi rin sumusunod. Kasama na ako sa mga hindi sumusunod.

Bakit hindi ako sumusunod sa mga batas ng Pisay? Kasi ang mga patakaran na ginawa nila ay tinatanggal ang kasiyahan sa ating buhay hayskul. Marami nga sa mga nakalagay sa student handbook ang makakapagpabuti sa ating buhay, ngunit tayo naman ay magiging mga robot na walang damdamin. Nakakalungkot kung ganun ang mangyayari.

Ganyan talaga ang buhay. May mga masasayang nangyayari ngunit linilimita ang ating kaligayahan. Kung hindi lininimata ang ating kaligayahan, magiging sobrang gulo ng ating mundo.

- Niccolo Macaraig

No comments:

Post a Comment

Readers