Monday, March 1, 2010

Bakit Ako Tamad

May Long Test, naglalaro lang...
May quiz bukas, ano naman?
Perio na, natutulog lang...
Buhay ko ang katamaran

Hindi ko alam kung bakit
Nakuha ko itong sakit
Kahit anong aking pilit
Sa akin 'di na mawaglit

Ngunit Bio ba'y kailangan
Kung ako'y Engineer naman
Aanhin ang tinandaan
Kung walang paggagamitan

Sana'y naging mas maaga
Pagpili ng kursunada
Bagay na gusto talaga
Ang tinuturo noon pa

- Janjan Ersando

No comments:

Post a Comment

Readers