Tuesday, March 9, 2010

Salamat, Jake Sabandal

“Woohooo! Tapos na perio! Masayaaaa! @_@ auti.”

“OMG. Last Perio naa!”

“Go Batch 2010!”

“Shet. Natapos na rin!”

Sabi ko, sabi nila, sabi natin lahat, sana SANA matapos naaaa. 4th year na ako, at syempre lahat tayo nagsasabi na pagod na tayo and stuff. Kahit siguro simula pa noong first year. “Tae. Ang hirap ng long test sa Earth Sci” plus andyan pa ang usual math rants. Hindi pa kasama dyan lahat ng rants sa iba pang subjects (katulad ng p.e., sorry na. lamapa ako DATI.) at sa buhay buhay natin sa dorm, sa backlob, sa front, sa gazebos, sa cr, sa caf, sa shb, sa astb, sa bahay, sa LOVE(lol.), sa friends ekla.

Inaamin ko, noong grade six ako, simple lang buhay ko. Masaya ako araw-araw pumapasok, anti-soc ako, close –to-man hater pero hindi, at syempre “matalino” daw ako. Masaya ako na nine o’ clock pa lang nang gabi ay tapos ko na lahat ng kailangan kong gawin – maski project pa yan, review para sa contest, magbasa, mag-aral, gumawa ng homeworks. At vague lang ang alaala ko na super nagpuyat ako para mag-aral.

Noong magtatake na ako ng test para sa Pisay, naisipan kong ibagsak yung test. Hindi ko naman talaga gusto mag-Pisay, gusto lang nila. Mas gusto ko kasama ko pa rin yung mga kaibigan ko sa elementary hanggang sa high school. Kaso, “minalas” ako, nakapasa ako. Oh well.

Noong first year ako, hindi ako taga-main campus. Well, sa Mindanao kasi kami nakatira noon so yeah doon ako nag-aral. Noong mga unang lingo ko sa Pisay, sobrang nag-aaral ako lagi at minsan lang magliwaliw. Noong grade school ako, never ako umuwi na lampas sa trenta minutos after dismissal. Hindi rin ako mahilig lumabas ng bahay kasi dahilan ko, masakit sa paa maglakad ng napakatagal. Pero noong nag-Pisay ako natuto ako makipag-kaibigan sa mga tao. Autistic na ako noon pa man pero mas naautistic ako noong mas nagkaroon ako ng friends. Sobrang parang ako “High School the best ever”, kahit na hindi pa ako nangangalahati. Natutunan ko rin na mag-aral. At hahaha, dl pa ata ako. Tapos natuto ako mag-library for the sake of requirements. Natuto rin ako mag-transpose at mag-solve ng mga polynomial functions. Natuto ako makipag-catfight, umiyak, ma-“inlab”. At dahil sa Pisay mas nadrive ang competitive spirit ko.

Pero summer ng first year ay bumalik kami ng maynila since taga-dito naman talaga kami. Akala ko bakasyon lang pero sabi ng nanay ko, lipat na lang daw ako sa Main kasi sa Manila na ulit siya nagtratrabaho. Nagulantang mundo ko. Hindi pwede. Kung kailan ko mahal na yung campus naming doon ako muli lilipat. Pero whew, buti wala ng slot! Hooray! Sobrang saya ko. Kaso, noong Mayo 31 taong 2007, tinawagan ni Ma’am Yazon ang nanay ko para ipahatid na may isang estudayanteng nagngangalang Jake Sabandal na lumipat na ng campus kaya may slot na daw ako. Nasira ulit ang pag-asa ko. AT NOON, KINAMUHIAN KO SI JAKE SABANDAL (kung sino man siya) pero sa huli akin rin pala siyang pasasalamatan(makikita niyo mamaya).

Para gawing maikli ang isang mahabang talata, nag-enroll ako sa Pisay-Main. II-Champaca. Dalawang taon na pero sariwa pa rin sa akin yung mga tingin ng tao noong pumasok ako sa room namin. Lahat sila parang “Sino yan?” pero mas conyo. Hahaha. Pero mabilis rin akong nagkaroon ng mga kaibigan.

Kung babalikan, masaya ang 2nd year. Maraming requirements, oo, pero masarap balikan ang mga alaala. Yun pa yung parang walang paki sa buhay mga tao. Tapos syempre, since bago ako, andami ko natutunan. Nalaman ko na may kaibahan ang front lob, backlob, caf at dorm at napakabihirang pagkakataon lang daw na magsama-sama ang mga tao mula sa iba’t ibang lugar. Buti na lang dormer ako kaya may natutulugan ako ‘pag lunch break samantalang sila sa benches natutulog o ‘di kaya sa la mesa. Nadiscover ko rin na totoo pa lang sobrang talino ng mga tao sa Pisay. Natuto rin ako mag-Geometry at Algebra. At grabe, natuto rin ako mag-chem, though dati hindi ako nakikinig masyado(ata.). Natuto rin akong magka0crush na sobrang dami, as in sobrang rami. Tapos nalaman ko mula sa ibang tao na “responsible” daw ako. Culture shock ako dati eh. Parang castout pa ako. At lagi ako inaasar na autistic at syempre, dati pikon ako. Pero noong sinabi ni Ma’am Sagucio (<3 champa adviser) na ‘wag daw ako paapekto so yeah, after noon mas naauti sila ‘pag wala akong reaction.

Natutunan ko rin na:

* Mas madali ang geom. Sa algebra.
* Na pag-inintindi ang physics ay makakakuha ka ng 1.5
* Nalaman ko rin na hindi na pala English favorite subject ko kasi Social Science na rin at Biology
* Masaya pala mag-try ng sports
* Kailangan ng displina sa buhay
* Kailangan magpuyat para magkadisiplina
* Napakafulfilling na pala ng makita na nakapasa ka sa isang long test o quiz
* Mas SOBRANG fulfilling ‘pag uno ka sa isang test
* Hindi nakakatawa na bumagsak kahit sa quiz lang
* MASAYA maging DORMER
* HINDI pa la masama si JAKE
* Napakaswerte ko na sa Pisay ako nag-aaral

Kasi minsan nga sumakay ako ng taxi, tapos noong nalaman ng driver na sa Pisay ako, grabe, sobrang pinuri niya ako(kahit medyo hindi nag-aaply) at bilib daw siya sa mga estudyante ng Pisay. AS IN. Nahiya ako sa sarili ko noon kasi dapat pala mas nagsisikap ako hindi lang para sa sarili ko kundi pati paa sa bayan.

Pero kung masaya noong second year, mas masaya noong third year. Adventure ng sabi ng iba. Naniniwala ako doon. Napakabilis nang panahon dito sa Pisay kaya parang iglap lang lahat. Grabe noong second year, pahirap mga requirements pero sobrang bagal ng panahon. Noong third year naman, kung kailan maraming breaks(na “dapat” ginagamit sa STR. Hahaha). Tapos mas naging close ang batch at habang tumatagal ang panahon, mas dumadami ang love teams ng batch. Noong una, ‘di ko yun mainitindihan pero ako’y sumsangayon. Nakakabaliw nga ang pag-ibig. Alam mo yun, parang araw-araw iisipin mo kailangan niyo magkita o kahit na magkatagpo sa hallway. Narealize ko rin na tama ang matatanda na hadlang nga ito sa pag-aaral. Naalala ko, halos lahat kami sa room ko noong third year, kung hindi may ka-ym, may ka-text. Tapos minsan, nine o’ clock na hindi ka pa rin nagsisimula sa mga gawain dahil hindi mo magawang isignout yung ym at syempre, hindi rin patatalo mag-text ang mga tao hanggang sa macheck op na.

Sobrang hirap noong third year dahil pressure ang lahat. Kahit Math, STR, Physics(na kung minsan ay negative something ang score ng isang tao. Sobra. ),Chem, Bio at iba pa. Natutunan ko noon na dapat matuto ka isantabi mga bagay na hindi makaktulong sa iyo o sa pag-aaral mo. Pero too late na nga. At lagi nga, nasa huli ang pagsisi.

Ngayong fourth year ang pinakamahirap sa lahat. UNDER SO MUCH PRESSURE ang lahat. Kung ito man ay negative o positive pressure, walang makakapagsabi. Tsaka dito mo na rin napagtatanto na “Matatapos na. Matatapos na”. Pero sa kabila nang paglapit ng finish line, dito mo talaga maiisip kung ano talaga ang natutunan mo. Hindi naman puro acads lang ang ibig ipahiwati ng “natutunan” kundi marami pang iba.

“Natuto ka ba madapa?”

“O, natuto ka na ba ng Chem?”

“Natututo ka na ba magmahal?”

“Natututo ka ba magpatawad?”

“Natuto ka bam aging isang mabuting kaibigan?”

“Natutunan mo na ba yung mga trig function?”

“Natututo ka ba makisama?”

“Natuto ka ba sa Pisay?”

“May natutunan ka ba?”

Dahil, tunay din ang kasabihan na ang isang tao ay hindi magbubuhay mag-isa. At ang ibig sabihin ng may natutunan ay hindi lang ang acads na ilang taon mong pinagpuyatan at pinaghirapan ngunit pati na ang panahon na iginugol mo para maabot ang finish line.

Pagdating sa acads, sobrang dami kong natutunan. Marami na ang mga equations na nasolve ko, marami ring hindi(hindi ako magaling sa math), maraming madugong essay na ang naisulat, marami ng project na napass/hindi na pass, marami nang ups and downs sa long tests at perios. Marami na rin akong nabasang aklat at kung ano pa mang photocopied handouts pero hindi tutumbas doon ang halaga ng natutunan kong pakikisama sa iba’t ibang tao, pakikipagtulungan, pagmamahal, pagkapoot, at pagdiriwang. Hindi matuumbasan ng kahit gaano pa kahabang code sa python ang haba ng sanaysay na iniukit ng Pisay sa akin at sa puso natin lahat. Ngayon, malapit na ang lahat sa finish line, pero may panahon pa tayo na pwede pang lubusin. ‘Ika nga, “No Guts. No Glory.”, kaya lubusin na natin at gawian ang ‘di pa nagagawa pagkat sa mga mahalagang pangyayari ang mga ito na mas lubusang maaalala mo pa pagkalipas ng maraming taon na ‘di gaya ng mga constants na maaari mabura sa iyong isip.

Ngayon kung iisipin, mas marami akong natutunan sa buhay dahil nag-Pisay ako. SOBRAAAAAAAAAAAAAANG HIRAP. Pero, wala naming hirap na hindi na hahanapan ng kaginhawan, ‘di ba? Hindi ako matuto ng displina kung hindi ako nag-Pisay. Hindi ako matuto ng maraming bagay kundi ako nag-Pisay. Hindi ako matuto na ang proseso ng pag-aaral ay ‘di madali. Ngunit, higit sa lahat, hindi matuto maging isang ISKOLAR NG BAYAN. Aba, mahirap ata yun. Kaya nga, kahit mahirap, dito ko rin pag-aaralin sa future ang anak ko kasi ito ang adventure na dapat hindi i-miss. PRAMIS.

KAYA PARA SA AKING MGA MAKABULUHANG NATUTUNAN SA PISAY MAIN CAMPUS, MARAMING SALAMAT JAKE SABANDAL. Kung ‘di ka lumipat ng campus ay hindi rin ako malamang makakalipat at doon pa lang ay maiiba na ang aking tadhana. Masaya ako na ito ang aking naging tadhana. At nga pala, natutunan ko rin na kahit gaano man kahirap, mahal na mahal ko ang PISAY, hindi lang ang mga parte nito (friends, happiness, BATCH 2010! The BeST!) kundi ang kabuuan nito plus JAKE SABANDAL. Hahaha.

- Nikki Plata

No comments:

Post a Comment

Readers