Sa apat na taon ko sa Pisay, marami akong natutunan. Unang-una, malamang, mga lessons sa Math, Science at iba pa. Sa ComSci, siyempre marami. Yung mga Javascript, CSS, html and stuff. May mga Calculus, Geometry and Trigonometry pa from Math. Sa sciences naman, may Acid-Base neutralization, Quantum Theory at Central Dogma. Gumaling naman ako sa softball dahil sa PE, nakakita ng mga luray-luray na mga katawan sa Health at nanakit ang paa sa halos isang oras na pagmamartsa sa CAT. Sa English at sa Filipino, pinilit kaming pag-aralan yung buhay-buhay ng mga iba’t-ibang taong mula sa nakaraan kahit sa tingin naming ay hindi naman talaga naming magagamit sa pang-araw-araw naming gawain.
Kung hindi rin ako nag-Pisay, hindi rin ako matututo maglaro ng Magic the Gathering card game. First year ako nung nadiskubre ko yung game mula sa dalawa kong kaibigan na hindi ko na sasabihin ang pangalan. Tapos tinuruan na nila ko kung pano siya laruin.
Isa pa, sa Pisay din ako natuto mag-Dota. Una ko namang nakita ang larong to sa mga taong may laptop sa dorm. Tinuruan din nila ko nung nagtanong ako sa kanila. Ngayon, magaling na ko magDota.
Minsan naiisip ko, kung hindi ako nag-Pisay, malamang marami akong hindi alam na alam ko ngayon, pero hindi naman ako nahihirapan sa pag-aaral. Para sa’kin, masaya na ko na naging parte ng buhay ko ang buhay Pisay.
- John Paul Ferreria
skip to main |
skip to sidebar
No comments:
Post a Comment